4,408,693 views 157 on YTPak
1,125 574

Published on 15 Dec 2013 | over 3 years ago

Babaeng na-harass sa bus, nakasalubong ang suspect sa police startion!

Babaeng naasulto, nakasalubong ang suspek sa police station!

Isang lalake na inasulto ang isang babae at hinawakan ang ibabaw ng puwit nito habang sila ay nakasakay sa isang bus, ay nahuli sa police station, nang nagkasalubong sila habang ini-re-report ng babae ang mga pangyayari sa pulis.

Ang insidente ay nangyari noon pang Agosto, alas sais ng gabi sa isang masikip na bus sa Xindian, Taipei. Ang 35-year-old na lalaki na si Zhang Wei-Zhe (張偉哲), ay nilapitan ang babaeng kolehiyala, na nakasuot ng low-cut na shorts, at ipinasok ni Zhang ang kanyang daliri sa loob ng pagitan ng puwit ng babae!

Hinarap ng babae si Zhang, pero nagkunwari itong walang nangyari, at nginitian pa ang babae bago siya bumaba ng bus.

Kinabukasan ay nagpunta sa police station ang babae para mag-file ng report, at nagkataon na nakasalubong niya ang suspek, na nandoon para kunin ang iilang mga dokumento.

Inamin ni Zhang na nakasakay niya sa bus ang babae, pero hindi niya sinadyang hawakan ito, at ito raw ay aksidente lamang.

Nakasuhan si Zhang ng sexual assault, at sinabi ng Taipei District Prosecutor's Office na hindi possible ang aksidenteng paghawak na itinutukoy ni Zhang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
www.youtube.com/subscription_center

Stay connected with us here:
www.facebook.com/TomoNewsPH

Loading related videos...