783,131 views 119 on YTPak
0 0

Published on 25 Jul 2009 | over 7 years ago

Ang tingin mo sa taong hindi makapag ingles ay walang pinag-aralan. Ang tingin mo sa kanya ay low class. Baduy! Hindi In! Tsk.. Tsk.. Tsk.. Ang mga politiko na ini interview sa balita. Ingles ng Ingles! Kahit barok barok at tagilid ang Ingles niya! Ala! Sige pa rin!
Bakit tayo kailangan mag INGLES? Puti ba ang balat natin? Bakit kailangan maging dalubhasa sa pang ingles para matawag na tayo ay sosyal sa lipunan? Bakit? Mas dapat nating pag-aralan ang ating sariling wika! Magpaka dalubhasa sa wikang Tagalog, sa halip na pag-aralan ang wika ng mga banyaga!

Bakit baduy ang tingin mo sa mga kantang tagalog? Bakit mas in sayo ang mga HOLLYWOOD music? Bakit? Sa tingin mo ba, ang mga tinitingala mong Hollywood Artists ay pantay ang pag tingin sayo? Akala mo ba mataas ang tingin nila sa mga Pilipino na kagaya natin? HINDI!

Gustong gusto mong makapunta sa Amerika! Ang akala mo tumatae ng ginto ang mga taga Amerika! Hindi mo alam ay napaka hirap ng buhay sa Amerika! Tinitingala mo ang mga PUTI! Pero sila ay maliit ang tingin sayo.

Panay gaya mo sa mga Hollywood artists. Dapat ay palaguin mo ang ating sariling idelohiya, kultura at sining. Umpisahan mo sa sarili mo at tiyak na kakalat ito!

Puro computer at internet ang inaatupag mo eh! Wala ka nang aktwal na kaibigan kundi ang mga nasa chat friends list mo. Lumabas ka at maglaro ng TUMBANG PRESO, HABULAN, TAGUANGPUNG, MATAYA-TAYA at marami pang iba.

Hindi aasenso ang ating bayan kung may mga tao na gaya mo!

Loading related videos...