Published on 25 Mar 2014 | over 2 years ago

Lalaki sa Florida, sinuntok at binato ng tae ng aso ang kanyang girlfriend!



Lalaki, binato ng tae ng aso, at sinuntok ang buntis niyang girlfriend!

Isang lalaki sa Florida ang naaresto, matapos niyang batuhin diumano ng tae ng aso, at sinuntok ang kanyang buntis na girlfriend.

Ayon sa babae, nagmamaneho sila ni Daniel Redding sa 700 block ng Southwest 38th Avenue sa Ocala, nang nagkasagutan sila. Nagalit si Redding, dahil tumae ang aso sa floorboard ng kotse. Pinulot niya ang tae, at binato ito sa babae.

Pagkatapos ay sinuntok ng 25-year-old na lalaki ang babae nang ilang beses sa ulo. Gumanti naman ang babae, at sinuntok din ang lalaki.

Kinuha ng lalaki ang steering wheel, at hinatak ito pabalik-balik.

Pinahinto ng babae ang kotse sa gitna ng kalsada, at dito tumakbo paalis si Redding.

Natagpuan siya ng pulis sa Westwood Mobile Home Park. Dinala siya sa county jail, kung saan siya'y nakasuhan ng aggravated battery.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
www.youtube.com/subscription_center

Stay connected with us here:
www.facebook.com/TomoNewsPH

Loading related videos...